Bayan ng Virac at Baras, tanging mga munisipalidad na lamang na may aktibong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes

BNFM BICOL– Inanunsiyo ng Catanduanes Provincial Health Office na tanging ang mga bayan na lamang ng Virac at Baras, ang natatanging may aktibong kaso pa rin ng COVID-19 sa buong lalawigan.

Batay sa pinakahuling datus ng nasabing tanggapan, ang bayan ng Virac ay may dalawang aktibong kaso pa ng sakit habang isa naman sa bayan ng Baras.

Ang buong probinsya ay nakapagtala na rin ng kabuuang 3,188 na mga kumpirmadong kaso kung saan 3,053 sa mga ito ang nakarekober na habang 132 ang nasawi.

Kaugnay nito, patuloy naman sa paalala ang PHO sa publiko na panatilihin pa rin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols kahit nasa Alert Level 1 na ang buong probinsya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *