Bicol IATF, umapela sa mga Brgy. Officials sa rehiyon na kumbinsihin ang mga nasasakupang residente na magpabakuna kontra COVID-19

BNFM BICOL—Umapela si DILG Bicol Regional Director at Bicol IATF Chairman – Anthony Nuyda sa mga barangay officials na makipagtulungan sa Department of Health na kumbinsihin ang kanilang mga nasasakupang residente na magpabakuna kontra COVID-19.

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasabay ng anunsiyong nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang COVID-19 status ng limang mga probinsya sa Bicol dahil sa hindi pa ng mga ito naaabot ang target na 80% na  vaccination coverage para makamit ang ‘herd immunity’.

Dagdag pa nito, tanging ang islang lalawigan pa lamang ng Catanduanes at ang lungsod ng Naga ang naibaba sa Alert Level 1, kung kaya’t patuloy din umano ang kanilang pagsusumikap sa Bicol IATF, upang tuluyan nang maibalik sa normal ang buong rehiyon at mas mapaluwag ang mga umiiral na restriksyon.

Sakabila nito, matatandaang una nang binigyang konsiderasyon ng Bicol IATF na makapagsagawa ng prusisyon ngayong Semana Santa ang Legazpi City kahit nasa ilalim pa rin ito ng Alert Level 1, sa kondisyong mahigpit na ipasusunod ang minimum public health standards.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *