Ria Atayde at Zanjo Marudo, engaged na!

Engaged na sina Ria Atayde at Zanjo Marudo.

Inanunsyo ng celebrity couple ang kanilang engagement sa isang Instagram post kung saan makikita ang engagement ring sa kamay ni Ria.

Mas kinilig pa ang mga netizens nang mabasa ang caption ng dalawa na – “Forever sounds good.”

Agad naman silang binati ng ilan nilang mga kaibigan sa showbiz gaya nina Iya Villania at Gary Valenciano.

Matatandaang unang kinumpirma ng couple ang kanilang relasyon noong nakaraang taon matapos umugong ang bali-balitang nagde-date ang dalawa noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *