BBM, inalok na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant

Naging matagumpay ang isinagawang courtesty call ni presumptive president Bongbong Marcos at apat na mga diplomats.

Sa isang pulong balitaan ngayong hapon sa kanilang headquarters, ilan umano sa mga natalakay ay ang pagpapabuti ng mga infrastructure projects sa bansa at mga programang may kinalaman sa public transportation.

Kabilang na rito ang mga proyekto kasama ang Japan sa ilalim ng partnership na JICA ODA o ang Japanese International Cooperation Agency – official development assistance.

Samantala, kinumpirma rin ni Marcos na inalok ito ng South Korean envoy na buhaying muli ang Bataan Nuclear Plant.

Sa ngayon ay aaralin umano nila ang ginawang rekumendasyon ng South Korean Government at kung paano ito makatutulong sa energy sector lalo na sa kakulangan ng suply ng kuryente.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *