BI kay Teves: monitoring ng high profile personalities, parte ng kanilang protocol

Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration kahapon hinggil sa instruction sa mga tauhan nito sakaling dumating sa bansa si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Sa social media post ng BI, nilinaw nilang parte lamang ito ng kanilang protocols sa pagmonitor sa mga indibidwal na may high profile cases.

Kabilang na rito ang pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agencies sa pagpapatupad ng immigration procedures.

Nilinaw din ng BI na nakatanggap sila ng request sa PNP Aviation Security Group na bilisan ang pag proseso kay Teves sa arrival nito.

Matatandaang, inalmahan ni Teves ang umano’y order ng BI na siya ay harangin kapag dumating sa bansa.

Ayon kay Teves, ang order ay inilabas umano bago pa man siya masampahan ng kaso.

Iginiit ng kongresista na siya ay inosente pa sa mata ng batas hanggang hindi napapatunayan ang mga alegasyon laban sa kaniya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *