Pagdinig ng kaso vs 4 na akusado sa Degamo slay case, hiniling na suspendihin

Naghain ng motion to suspend proceedings sa Manila Regional Trial Court ang kampo ng apat na akusado sa kaso ng pagpatay kay egros Oriental Gov Roel Degamo.

Ayon kay Atty Danny Villanueva, legal counsel ng apat na akusado na sina Osmundo Rivero, Rogelio Antipolo, Dahniel Lora at Rommel Pattaguan na mayroon silang mga bagong ebidensiya na magpapatunay na pinilit lamang na paaminin ang kanyang mga kliyente na sangkot sila sa pagpatay kay Degamo.

Tinukoy ni Atty. Villanueva ang mga sinumpaang salaysay ng apat na peke raw ang prima at kaya aniya nila itong patunayan sa korte.

Pinilit din aniya ang mga akusado na magpakuha ng dugo para sa medical purposes subalit nagdududa sila na magamit itong ebidensiya upang madiin sila sa krimen.

Ngayon lang aniya naglakas ng loob na magsalita ang apat dahil naka kuha na sila ng abogado.

Sakaling aprubahan ng korte ang kanilang mosyon, muling iimbestigahan ang bigat ng reklamo laban sa mga akusado  at umaasa silang mababasura ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *