Bicol region nagtala ng 444 na bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Pumalo na sa 30,630 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 444 na panibagong infection sa huling report ngayong araw.

Pinakamaraming bagong kaso ang nadagdag sa Masbate na umabot sa 131 kung saan 30 nito ay mula sa bayan ng Milagros, 24 sa Aroroy at Masbate City, 11 sa Mandaon, siyam sa Cawayan, tigpito ang Claveria at San Jacinto, lima sa Mobo, tigdadalawa ang Balud, Batuan, Cataingan at Palanas at tig-iisa ang Baleno, Dimasalang, Placer, San Fernando, San Pascual at Uson.

109 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan 48 nito ay mula sa Naga City, sampo sa Canaman, pito sa Iriga City, lima sa Pili, apat sa Goa, tigtatlo ang Baao at Libmanan, tigdadadalawa ang Bato, Bula, Cabusao, Calabanga, Camaligan, Magarao, Minalabac, Pasacao at Sipocot at tig-iisang kaso naman ang Buhi, Caramoan, Gainza, Milaor, Nabua, Ocampo, Pamplona, San Fernando, San Jose, Tigaon at Tinambac.

79 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 39 nito ay mula sa Sorsogon City, 11 sa Prieto Diaz, walo sa Juban, pito sa Magallanes, apat sa Casiguran, tatlo sa Donsol, dalawa sa Barcelona at Bulan at tig-iisa ang Bulusan, Gubat at Matnog.

Ang Albay ay nagtala ng 64 na mga bagong kaso kung saan 14 nito ay mula sa bayan ng Sto. Domingo, 13 sa Legazpi City, pito sa Daraga, lima sa Ligao City, tig-apat ang Camalig at Tabaco City, tigtatatlo ang Bacacay, Manito at Oas, tigdalawa ang Guinobatan at Tiwi at tig-iisa ang Malilipot, Malinao, Pio Duran at Polangui.

45 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan 15 nito ay mula sa bayan ng Mercedes, siyam sa Daet, anim sa Jose Panganiban, tig-apat ang Paracale at Talisay, tigdalawa ang Labo at San Lorenzo Ruiz at tig-iisa ang Basud, San Vicente at Vinzons.

13 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Bato, tatlo sa Virac, dalawa ang San Andres at tig-iisa ang Baras, Caramoran at Pandan habang mayroon namang tatlong nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Samantala, pumalo na sa 22,104 ang total recoveries matapos na magtala ng 127 na panibagong gumaling kung saan 46 nito ay mula sa Masbate, tig-33 ang Naga City at Sorsogon, sampo nito ay mula sa Albay at lima sa Catanduanes.

Pumalo na rin sa 1,015 ang death toll matapos madagdagan ng apat na panibagong nasawi kung saan tatlo nito ay mula sa Albay at isa sa Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Slaud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *