Bicol region, nakapagtala ng 2  bagong kaso, 352 recoveries at 43 mga  nasawi sa COVID-19, kahapon

BNFM BICOL—Dalawang  bagong kaso lamang ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region kahapon, araw ng Martes.

Batay sa datus ng Department of Health, ang dalawang naitalang bagong kaso ng sakit ay mula sa Legazpi City sa lalawigan ng Albay at bayan naman ng Pilar sa probinsya ng Sorsogon.

Bunsod nito, umakyat sa 59,022 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol ngunit nasa 726 na lamang nito ang mga aktibong kaso.

Samantala, umabot naman sa 352 ang mga bagong gumaling, daan upang sumipa sa 55,942 ang bilang ng recoveries habang nasa 43 naman ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi kung kaya’s sumatotal umabot na sa 2,354 ang COVID-19 death toll sa Bicol.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *