Bicol region nakapagtala ng 381 bagong kaso ng COVID-19 kahapon

BNFM BICOL— Nakapagtala ng 381 mga bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol Region kahapon batay sa ulat na inilabas ng Department of Health-Bicol.

Sa naturang bilang ang lalawigan ng Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso kung saan 55 nito ang mula sa Naga City; 27 sa bayan ng Pili; 19 sa Nabua; sampo sa Bombon; pito sa Lagonoy; anim sa Iriga City at Libmanan; lima sa Milaor; apat sa Baao, Ocampo at San Fernando; tatlong sa mga bayan ng Bato, Buhi, Calabanga, Magarao at Pamplona; dalawa sa Camaligan, Canaman, San Jose at Tinambac habang may tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Balatan, Cabusao, Goa, Lupi, Ragay at Sipocot.

Ang lalawigan ng Albay ay mayroong 96 na mga bagong kaso ng sakit kung saan 25 nito ang mula sa Daraga; 19 sa Legazpi City; 15 sa Guinobatan; anim sa Ligao City  at Manito; lima sa Bacacay, Malinao at Tiwi; apat sa Polangui; dalawa sa Camalig at tag-iisa ang Malilipot, Oas, Rapu-Rapu aty lungsod ng Tabaco.

Samantala, umabot naman sa 46 ang mga naitalang kaso sa Sorsogon kung saan 18 nito ang mula sa Sorsogon City; pito sa Gubat; anim sa Donsol; lima sa Bulan; dalawa sa Bulusan, Pilar at Prieto Diaz habang isa naman sa mga bayan ng Juban, Magallanes, Matnog at Santa Magdalena.

Ang islang lalawigan ng Masbate ay mayroong 24 na mga bagong kaso kung saan anim nito ang mula sa Masbate City; lima sa Mobo; tatlo sa Esperanza, Mandaon at Milagros at dalawa naman sa Aroroy at Placer.

Umabot naman sa 22 ang COVID-19 cases kahapon sa Camarines Norte kung saan lima ditto ang mula sa bayan ng Daet; tatlo sa Mercedes at Talisay; dalawa sa Basud, Labo at Sta. Elena at may tag-iisa naman sa Capalonga, Jose Panganiban, Paracale,  San Vicente at Vinzons.

Habang ang Catanduanes ay mayroong 17 kung saan pito nito ang mula sa San Andres; tatlo sa Panganiban at Virac at tag-iisa ang Bagamanoc, Bato, Caramoran at San Miguel.

Bunsod nito, sumampa na sa 56,913 ang cumulative cases ng COVID-19 sa Bicol kung saan 9,280 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 167 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 45,595 na ang kabuuuang recoveries habang dalawa naman ang naidagdag sa mga nasawi kung kaya’t nasa 2,038 na ang death toll ng COVID-19 sa rehiyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *