Vaccination coverage sa Catanduanes umabot na sa 59%, matapos mabakunahan ang nasa mahigit 355K  individuals

BNFM BICOL—Umabot na sa 59% ang vaccination coverage sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinaka latest na vaccine statistic report na inilabas ng Provincial Health Office kahapon.

Sa tala ng naturang tanggapan, nasa kabuuang 355,729 na mga indibidwal na sa probinsya ang bakunado na kontra COVID-19 kung saan 194,795 sa mga ito ang naturukan na ng first dose na katumbas ng 85% ng current target population.

Nasa 160,934 na mga indibidwal naman ang fully vaccinated na kabilang ang mga tumanggap ng ‘one shot’ Janssen COVID-19 vaccine na katumbas naman  ng 71% ng current target population.

Samantala, umabot na rin sa 21,607 na mga indibidwal sa Catanduanes ang tumanggap ng booster shots.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panawagan ng PHO sa publiko na makiisa sa nagpapatuloy na bakunahan sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan upang mapabilis ang pag-abot ng herd immunity.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *