Biden, nanawagan na ipagpatuloy ang global unity sa Ukraine sa 2023

Hinimok ni U.S. President Joe Biden ang mga Amerikano at ang mundo na patuloy na suportahan ang Kyiv sa susunod na taon matapos ang kauna unahang foreign wartime visit sa Whitehouse ni Ukrainian leader Volodymyr Zelensky.

Una nang nagpadala ang Estados Unidos ng humigit-kumulang $50 bilyon na tulong sa Kyiv matapos na sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Russia.

Ngunit ilang Republicans, na inaasahang magkokontrol sa House of Representatives sa susunod na taon, ay nagpahayag ng mga alalahanin tungkol sa price tag habang ang European countries  ay nagdudusa dahil sa problema sa enerhiya at ang epekto nito sa global economy.

Una nang nangako ang US na magbibigay ng $1.85 bilyon  bilang karagdagang tulong militar para sa Ukraine, kabilang ang paglipat ng Patriot Air Defense System.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *