BIFF leader – patay sa operasyon ng militar sa Maguindanao Sur

Nasawi ang pinakamataas na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kasama ang mga tagasunod nito sa operasyon ng militar.

Ayon kay 1st Brigade Combat Team Commander, BGen. Jose Vladimir Cagara, binawian ng buhay mismo ang pinuno na si Mohiden Animbang si Kagui Karialan at ang kapatid nito na si Saga Animbang na operations chief ng grupo.

Ibinahagi pa ng heneral na natunton nila ang kinaroroonan ng armadong grupo sa Barangay Kitango, bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur at inilunsad rito ang operasyon.

Tumagal ng siyam na oras ang bakbakan hanggang sa nalipol ang grupo ni Karialan.

Nasamsam roon ang 12 matataas na kalibre ng baril, kabilang ang M16A1, tatlong M14, dalawang M653, at isang M4 rifle.

Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng BIFF na si Abu Supyan na pinalibutan umano sila ng mga sundalo at ginamitan ng air asset kaya hindi nila ito napaghandaan.

Dahil sa nangyari, nagbabala si Supyan na magpapatuloy ang kanilang laban at pinayuhan ang mga residenteng nakatira malapit sa mga kampo ng sundalo na dumistansya muna para hindi madamay. | via 89.3 BNFM COTABATO | ROY HOLGADO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *