Tattoo – bawal na sa PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang polisya hinggil sa tattoo sa hanay ng pulisya.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na ito ay sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nitong Marso kung saan ang mga pulis na mayroong tattoo ay ililista sa isang affidavit.

Pagkatapos nito, kailangan nilang burahin ang mga ‘visible’ tattoos na nakikita sa labas ng kanilang uniporme.

Habang ang mga kadete naman na nag-a-apply sa PNP ay hindi na makakapasok kapag mayroong tattoo sa kanilang katawan kahit hindi pa ito nakikita sa kanilang pagpasok sa serbisyo.

Samantala, hindi naman kasali rito ang mga aesthetic tattoo tulad ng kilay, labi, at iba pa.

Ayon kay Fajardo, kailangang i-maintain ng PNP ang kanilang reputasyon dahil ang isang pulis ay ipini-presenta ng buong ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *