Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, higit sa 11, 000 pa

Mayroong nadagdag na  481 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw.

Ito ang ikaapat na sunod na araw na may mas kaunti sa 500 ang naitalang kaso ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health, nasa  11,975 pa ang aktibong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Sa huling tala, nasa 4,068,802 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang recovery tally ay umakyat sa 3,991,318 na may 247 na bagong recoveries.

65,509 naman ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID kung saan labing-isa ang nadagdag .//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *