DND Usec de Leon: resignation ni ex DND-OIC Faustino – ‘di na masusundan!

‘Everyone stays on’

Ito ang pinanindigan ni Deparment of National Defense (DND) Undersecretary Angelito de Leon matapos ang panawagan ni bagong Defense Secretary Carlito Galvez na huwag nang magsipag-resign ang mga opisyal ng Kagawaran.

Ginawa ni Galvez ang kanyang hiling matapos mag-resign sa puwesto si dating DND officer-in-charge ret. gen. Jose Faustino Jr., at siyam na iba pang mga senior officials dahil sa pagpapalit ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pulong ni Galvez kasama ang mga miyembro ng Executive Committee at iba pang heads at bureaus ng DND, hinimok ng bagong Kalihim ang mga opisyal na manatili sa kanilang mga posisyon.

Ito aniya ay para magtuluy-tuloy pa ang mga napagtagumpayan ni Faustino para sa pagpapalakas ng defense capabilities ng bansa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni de Leon na hindi na kailangan pang magkaroon ng loyalty check sa hanay ng AFP at PNP sa gitna ng pagbabago ng leadership ng dalawang mga institusyon.

Nagkasundo na rin umano ang mga senior officials ng DND na manatili na rin sa pwuesto kahit na matapos na ang transition sa pagitan nina Galvez at Faustino.

Matatandaaang nagpulong na ang dalawang retired generals at tiniyak ang maayos na pagsasalin ng responsibilidad sa DND.

MAAYOS NA TRANSITION

Tiniyak din ni Galvez ang pagpapatuloy sa mga magandang nasimulan ni Faustino.

Ayon kay Department of National Defense (DND) spokesperson Arsenio Andolong, nagkaroon ng pribadong pulong sa pagitan ng dalawang mga opisyal para tiyakin ang maayos na transition sa pamumuno sa Kagawaran.

Inilatag umano ni Faustino ang mga napagtagumpayan ng DND sa ilalim ng kanyang liderato, pati na rin ang kaniyang mga irerekumendang mga programa na dapat ipagpatuloy ni Galvez.

Anila, kritikal na mapanatili ang mataaas na morale ng mga opisyal at tauhan ng DND at AFP.

Matatandaaang una nang kinumpirma kahapon ni DND spokesperson Aresnio Andolong na pito hanggang siyam na opisyal ng Kagawaran ang sumunod sa resignation ni Faustino.

Paliwanag ni Faustino, nag-bitiw siya sa puwesto dahil nalaman lamang niya ang panunumpa ni General Andres Centino bilang AFP chief-of-staff ng sa balita at sa social media.

Bagay naman ito na pinabulaanan ng Palasyo.

Si Faustino, dating AFP chief Lt. Gen. Bartolome Bacarro, at Centino ay magkaka-mistah at kapwa nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ‘Maringal’ Class of 1988.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *