Pilipinas, nakapagtala ng 128 na bagong kaso ng omicron subvariants

Nakapagtala ang Department of Health ng 128 bagong kaso ng omicron COVID-19 subvariants.

Batay sa pinakahuling biosurveillance report ng DOH kahapon, 52 ang inuri bilang BA.2.3.20, 1 kaso bilang BN.1, 10 kaso bilang BA.5, 28 bilang XBB, 13 bilang XBC, at 24 bilang iba pang omicron subvariants.

Kasama sa mga bagong kaso ng BA.5 ang 3 kaso ng BF.7 at 1 kaso ng BQ.1.

Ipinakita rin sa ulat na 1 karagdagang kaso ang inuri bilang delta na may collection date noong kalagitnaan ng December 2022.

Ito ang mga resulta ng pinakabagong sequencing run na isinagawa ng ahensiya  mula January 3 hanggang  January 9.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *