Bilang ng mga paracetamol, at iba pang flu medicine na mabibili sa mga botika, lilimitahan

Lilimitahan ng gobyerno ang pagbili ng paracetamol at ilan pang mga gamot para sa trangkaso sa gitna ng kakulangan nito sa ilang mga botika.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na naglabas ang Department of Trade and Industry at Department of Health ng joint memorandum na nagtatakda ng limitasyon sa pagbili ng paracetamol, carbocisteine, at iba pa.

Sa ilalim ng memorandum ay maaring bumili ang isang indibidwal ng hanggang 20 tableta ng 500-mg paracetamol, habang maari naman bumili ng hanggang 60 ang isang household.

Ipinagbabawal rin sa memorandum ang online selling ng mga nasabing gamot, maliban na lang kung pahihintulutan ito ng Food and Drugs Administration.

Layon ng purchase limit na maiwasan ang aritificial shortage at price escalation ng over-the-counter flu medicines, at istriktong matiyak ang availability nito hanggang maging stable ang suplay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *