COVID-19 shots, maaring palawigin hanggang 4 doses sa Pilipinas

Target ng Pilipinas na mapalawig ang primary doses ng COVID-19 vaccine hanggang fourth dose.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na inihayag ng Vaccine Expert Panel na posibleng kailanganin ng mga tao ng hanggang limang doses ng bakuna para maabot ang full immunity laban sa COVID-19.

Ipinunto ni Galvez na ang ibig sabihin nito ay aabot sa apat ang primary shots habang ang booster naman ang ituturing bilang “final shot”.

Sa kasalukuyan ay nagtuturok ang gobyerno ng third doses sa senior citizens at sa mga indibidwal na immunocompromised habang booster shots naman ang ibinibigay sa mga nakakumpleto na ng primary doses.

Iginiit ni Galvez na para sa taong 2022, ang gobyerno pa rin ang bibili ng mga bakuna sa manufacturers, na libre naman ipapamahagi sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *