Bilang ng mga residenteng nagpapa booster shot sa Catanduanes, nananatiling mababa

BNFM BICOL—Kinumpirma ni DOH Catanduanes Provincial Officer – Dr. Robert John Aquino na mababa pa rin ang bilang ng mga residenteng nagpapaturok ng ‘booster shot’ kontra COVID-19 sa lalawigan.

Ayon kay Aquino, bagamat mataas ang vaccination coverage ng probinsya para sa first at second dose ng bakuna, nananatili naman aniyang mababa ang turn out ng ‘booster shot’ vaccination kung kaya’t sila aniya ay nababahala, lalo na’t kinumpirma ng DOH ang local transmission ng ‘Omicron sub-variant’ sa Pilipinas.

Bunsod nito, muling nanawagan ang opisyal sa mga Catandunganon na magpabakuna na ng ‘booster dose’ dahil kahit fully vaccinated na ang isang indibidwal ay nababawasan aniya ang efficacy rate nito sa pagdaan ng buwan.

Pagbibigay diin ni Aquino, ‘highly contagious’ o lubhang nakakahawa ang sub-variant na ito ng Omicron kung kaya’t mahalagang tumanggap ng karagdagang dose ng bakuna kontra dito, liban sa patuloy na pagsunod sa mga umiiral na health protocols.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *