Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa Camarines Norte umabot sa 196% ang pagtaas kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon

CAMARINES NORTE – Sa halip na mabawasan dahil sa mga inilalatag na polisiya ng pamahalaan, hindi maikakaila na mas mataas ngayong taon ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa bansa kumpara noong isang taon sa pagsisimula ng pandemya.

Tulad na lamang dito sa Camarines Norte malaki ang deperensiya ng naitalang pagtaas kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon batay sa datos ng Provincial Health Office (PHO).

Ngayong May 2021, nasa 293 ang naitalang kaso na mas mataas ng 194. 64 % kumpara sa 149 confirmed cases sa kaparehong panahon noong isang taon.

Sa aktibong kaso, nasa 110 ang bilang as of May 24, 2021 habang sa kaparehong panahon noong isang taon ay wala.

Mayroong 18 kaso ng pagkamatay dahil sa sakit ang naitala ngayong buwan na mas mataas sa 9 sa kaparehong panahon noong 2020 kaya’t umabot na sa 27 ang bilang ng mga nasawi.

Pagdating naman sa  recoveries, mayroong  166 ngayong Mayo 2021 kumpara sa 140 sa kaparehong panahon noong isang taon.

Kaya naman nasa 306 na ang nakakarekober o 69. 7 % sa kabuuang confirmed cases na 443.

Sa ngayon ay mayroon pang hinihintay na resulta na nasa mahigit 90 specimen samples mula sa Camarines Norte na pending pa sa laboratoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *