Bilang ng patay sa pagsabog sa sa Cabuyao, Laguna, umakyat na sa 4

Apat na ang iniulat na nasawi sa nangyaring pagsabog at sunkg da pagawaan ng paputok sa Cabuyao, Laguna kahapon ng hapon.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Manila ng Police Regional Office 4A.

Patuloy naman nagpapagaling ang lima pang malubhang nasugatan.

Nabatid na gumagawa lang ng paputok ang mga trabahador nang biglang magkaroon ng aksidente at pagsabog na nauwi sa malaking sunog.

Samantala, under investigation pa rin ang dahilan ng pagsabog ng isang pagawaan ng paputok sa Cabuyao, Laguna.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Bureau of Fire Protection (BFP) Spokesperson F/Supt. Annalee Atienza, isa sa tinitingnan nila sa imbestigasyon ay ang pagkakaroon ng business permit ng establisyimento para mapatunayan na legal ang ginagawa nitong operasyon.

Maliban aniya rito, tinitingnan pa rin ng ahensya kung compliant ba sa fire safety standards ang naturang pagawaan ng paputok.

Sa huli, binigyang-diin ni Atienza na may mga kailangang sundin na safety method at protocols ang mga factories, partikular na ang mga establisyimentong nagpo-produce ng mga firecrakers, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *