Bill para sa karagdagang benefits sa mga solo parents, nag-lapse into law

Isa nang ganap na batas ang panukalong naglalayong magbigay ng karagdagang P1,000 na monthly aid sa lahat ng mga low-income solo parents.

Ito ay matapos mag-lapse ang panukala dahil hindi ito nalagdaan ng Pangulo, 30 araw mula nang matanggap ito ng kanyang opisina.

Sa ilalim ng bagong batas, maliban sa isang libong subsidiya kada buwan ay magkakaroon na rin ng 10% discoung sa ilang mga gamot para sa mga low-income solo parents na mayroong anka na edad anim pababa.

Maliban pa rito, makatatanggap din sila ng iba pang benepisyo hanggang maging 22 years old na ang kanilang anak.

Kabilang dito ang prioritazion sa low-cost housing, coverage ng PhilHealth, at iba pang mga livelihood training.

Wi-nelcome naman ni Senadora Risa Hontiveros ang pagkakapasa sa panukala.

Aniya, malaki ang maitutulong nito sa mga solo parent lalo na ‘yung mga magulang na lagi na lang nangangamba kung papaano nila mbabayaran ang tuition ng kanilang mga anak.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *