Padila sa mga sangkot sa agri-smuggling – ‘dapat sikmuraan’

‘Dapat ‘di lang mag-asawang sampal… dapat sikmuraan din’

Ito ang naging pahayag ng baguhang senador na si Robin Padilla kaugnay sa mga opisyales at tauhan ng Bureau of Customs at Department of Agriculture na ‘di umano’y sangkot sa talamak na agri-smuggling.

Sa isang chance press briefer sa pagdalo ni Padilla sa refresher course sa Senado, sinabi nitong sa oras na mapatunayang sangkot talaga ang 22 indibidwal sa katiwalian – dapat ay kaagad na silang mag-resign.

Aniya, sana raw ay mauso na sa Pilipinas na sa tuwing mayroong imbestigasyon laban sa isang tao ay magbitiw na ito sa posisyon bilang pagpapakita ng delicadeza.

Hindi naman daw kasi maaaring mag-sorry na lang ang mga sangkot na opisyal na ito lalo na’t para sa kanya ay heinous crime na itong maituturing.

Giit ni Padilla, ang natutunan niya raw sa Development Academy of the Philippines ay ang pagpapahalaga sa accountability.

Bago ito, una nang inirekumenda ni outgoing Senate President Tito Sotto na magkaroon na ng balasahan sa BoC at sa DA dahil sa pagkakaugnay ng mga top officials nito, kabilang na si Customs Commissioner Rey Guerrero sa agri-smuggling.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *