Binibining Pilipinas International Hannah Arnold nasa Japan para sa 2022 Miss International pageant

Nasa Japan ngayon ang Binibining Pilipinas International na si Hannah Arnold para lumahok sa Miss International.

Sa social media account nito , nagpost ito ng larawan na nakasuot ng kulay ube na Filipiniana at may hawak na maliit na watawat ng Pilipinas.

Sabik na rin aniya ito sa nasabing pageant ganun din na makilala ang ibang mga kalahok.

Pinasalamatan nito ang mga fans at humingi siya ng pagdarasal sa mga mamamayan para masungkit ang titulo.

Ilang taon nang naghintay si Arnold na magkaroon ng pagkakataon na kumatawan sa Pilipinas sa ibang bansa at bigyan ang bansa ng international title.

Samantala, muling ipinakilala ng Miss International pageant ang online-voting component para sa ika-60 na edisyon ng paligsahan ngayong taon sa pamamagitan ng inilunsad nitong mobile app. Sa pamamagitan ng poll na nagsimula noong November. 30, maaaring bumoto ang mga tagahanga mula sa buong mundo para sa kanilang gustong delegado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *