BIR walang ibang nire- require na bayarin sa job order employees kundi tanging registration fee

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na wala itong nire- require na ibang bayarin sa mga job order employees ng mga Local Government Unit at National Government  agencies maliban sa P500 na annual registration fee na kailangang bayaran ng empleado.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na kaya kailangang magbayad ng annual registration fee ay dahil isa itong requirement bilang job order employee.

Exempted naman aniya ang mga job order employee sa income at percentage tax dahil ang sweldo ng karamihan sa mga ito ay mababa  pa sa P250, 000 kada taon.

“Di ba may mga duration lang naman yung kanilang contract with the agency so anong kailangan nilang gawin, mag  execute uli sila nung mga annexes na yun,so hihingi uli sila ng contract with the agency, every 6 month alam ko may bagong kontrata sila and the agency rin may responsibility rin na mag submit sa atin nung annex na nakalagay yung pangalan nila na nag renew sila ng contract,” ani De Leon.

Pero kung natapos na ang kontrata noong 2021 at hindi na mare- renew ngayong 2022 ay kailangan umanong magpa close na ng registration bago matapos ang Enero para hindi na pumasok na may babayaran pa silang annual registration.

After 6 months at alam nilang mari -renew hintayin na rin lang uli nila  ang January, magbayad lang silang annual registration fee, one time payment for the year, pero kung alam nilang mati- terminate na sila at hindi na sila magre renew, kailangang ipa close sa amin ang registration para ma -close din sa system namin na hindi na siya job order ngayon, tanggal na rin yung mga liabilities niya na darating.”

Ayon pa kay De Leon kung hindi mag register ay kapwa magkakaproblema ang agency at ang mismong empleado dahil babawasan pa rin ang huli ng withholding tax kahit pagkatapos ng employment.

One thought on “BIR walang ibang nire- require na bayarin sa job order employees kundi tanging registration fee

  1. Anu-ano po ang requirements para ipaclose ang account as job order/contract of service?? TIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *