Bird flu, dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado

Dahil sa bird flu outbreak, mababang produksyon at pagtaas ng presyo ng feeds ang nakikitang dahilan ng Philippine Egg Board Association sa pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado.

Sa panayam , sinabi ng kinatawan ng Philippine Egg Board Association,  Gregorio San Diego, dahil kakaunti ang produksyon at medyo tumataas ang demand dahil sa maraming produkto ang ginagamitan ng itlog lalo pa’t magpa pasko kaya umano tumaas ang presyo nito ngayon.

Malaking problema rin umano nila ang cost of production dahil umabot na ng 50 pesos ang itinaas per bag ng feeds na kanilang ginagamit.

Ang farmgate prices ng medium-sized na itlog ay kasalukuyang nakatakda sa P6.20 sa Batangas at P7 sa Pampanga at Bulacan.

Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture na normal lang na bumaba ang supply ng itlog sa panahon ng malamig na panahon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *