Bong Go, welcome ang pagbibigay ng gov’t ng fuel subsidies para sa mga apektadong PUV drivers

Welcome kay Senator Christopher “Bong” Go ang desisyon ng Cabinet-level Development Budget Coordination Committee, na binubuo ng Office of the President, Department of Budget and Management, Department of Finance, at ng National Economic and Development Authority, na magbigay ng fuel subsidies sa mga public utility drivers na apektado ng pagtaas sa world oil prices.

“Nagpapasalamat ako sa kanilang mabilis na pagtugon sa panawagan natin. Alam naman po natin na sa pagtaas ng presyo ng langis, sabay ring tumataas ang presyo ng pangunahing bilihin. Pabigat po ito lalo na sa mga karaniwang Pilipino, lalo na’t may pandemya. Kaya naman malaki po ang maitutulong ng subsidiyang ito upang kahit papaano ay maibsan ang suliraning ito,” saad ni Go.

Pagtitiyak ni Go, bagama’t mahirap ang buhay ngayon, huwag umanong mawalan ng pag-asa dahil walang tigil ang pagtatrabaho ng gobyerno upang maproteksyunan ang buhay, kabuhayan at tiyan ng mga Pilipino.

Giit ng senador, kasabay ng paglaban ng gobyerno sa COVID-19, patuloy rin na pinupuksa ang hirap at gutom na nararamdaman ng marami sa mga kababayan, kung saan walang Pilipino ang dapat mapag-iwanan sa muling pagbangon bilang isang mas matatag na bansa.

Una nito, hinimok ni Go ang mga concerned agencies na pag-aralan ang mga posibilidad ng pag-aalok ng fuel discounts at subsidy para sa strategic sectors, sa gitna na ang tumataas na world oil prices ang nagpapahirap sa mga Pilipino.

“Sa pagbibigay ng discount o subsidy, mas mapapagaan natin ang bigat na dulot ng pagtaas ng presyo ng langis,” giit ni Go.

“Sa panahon po ng krisis, gawin natin ang lahat para maibsan ang pinapasan ng ating mga kababayan. Bawat buhay po ay pinapahalagahan natin lalo na ‘yung mga walang ibang matakbuhan. Sila po ang prayoridad natin dito, kapakanan nila ang ipinaglalaban ko rito,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *