Bongbong, Lacson naghain na ng COC pagka-Presidente

Pormal nang naghain ng kandidatura si dating senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. pagka-presidente.

Wala naman itong kasama at inihayag na pinag-uusapan pa ng kanilang partido kung sino ang kanyang magiging runningmate.

Maliban kay Marcos naghain ng kanilang kanditura ang tambalan nina Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Tito Sotto sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila pasado alas onse ngayong umaga.

Maliban kay Marcos at Lascon na una nang naghain ng COC sina Happy Lubarbio at isang Dolores Quirao na gusto ding maging lider ng Pilipinas.

Tanging si Sen. Sotto naman kaisa-isang vice-presidentiables ngayong araw.

Nagfile naman ng kanyang certificate of candidacy si resigned DPWH Sec. Mark Villar ilang araw lamang matapos itong magbitiw sa pwesto.

Tatakbo si Villar bilang senador na una nang nakasama sa listahan ng PDP-Laban Cusi faction.

Samantala pormal na ring naghain ng COC para sa kanyang re-election bid si Sen. Juan Miguel Zubiri.

Patuloy naman ang paghaba ng listahan sa partylist kung saan ngayong umaga lamang nasa mahigit 14 ang naghain ng kanilang COCs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *