‘Breakthrough infection’ sa mga fully vaxxed vs COVID-19, naitala ng FDA

Umabot sa 242 na indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna kontra covid-19 ang tinamaan pa rin ng sakit.

Ayon kay Food and Drugs Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ito ang tinatawag na vaccine ‘breakthrough infection’.

Sa paliwanag ni Domingo, ang breakthrough infection ay kumakatawan sa mga taong tinatamaan pa rin ng virus makalipas ang 14 na araw pagkatapos na maturukan ng ikalawang dose ng bakuna.

Sa 242 na tinamaan pa rin sakit, 5 ang namatay na pawang senior citizens na ang ilan ay may comorbidity.

Nilinaw naman ni Domingo na napakaliit ng bilang ng mga nagkasakit na fully vaccinated na kumakatawan lamang sa 0.0017 percent ng 13.8 million na nakakumpleto na ng bakuna.

Pinapatunayan aniya rito na mas mataas ang benepisyong nakukuha sa bakuna kaysa sa panganib na dala nito. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *