Suspected delta variant sa Puerto Princesa City wala pang resulta; 3 residente ng lungsod na ngayon ay nasa NCR positibo sa virus.

Inaantabayanan pa rin ang resulta ng isang suspected ng Delta Variant sa lungsod ng Puerto Princesa.

Matatandaan , isang  suspected delta variant na residente ng lungsod ang ipinadalang sample sa Philippine Genome Center na ngayon ay inaabangan ang magiging resulta nito.

Samantala , tatlong residente ng lungsod ang kumpirmadong tinamaan ng delta variant na ngayon ay nasa NCR.

Paglilinaw ni Dr. Dean Palanca,  hindi ito magiging datos ng Puerto Princesa City dahil kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho ang tatlong indibidwal sa NCR at hindi ito nakarating o nakapasok sa lungsod.

Paalala ng mga health authorities na doblehin ngayon ang pag-iingat sa mga sarili dahil patuloy na kumakalat ang delta variant sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *