Bride at catering manager sa Florida, inaresto matapos haluan ng ‘marijuana’ ang handa sa kasal

Florida, U.S.A – Sunod-sunod na tawag ang natanggap ng Emergency Hotline na ‘911’ sa Florida, U.S.A mula sa mga taong dumalo sa isang kasal.

Pawang nag re-request ang mga ito ng ambulansya at medical assistance makaraang sumama ang pakiramdam pagkagaling ng reception.

Batay sa report, pagiging “high”, pagsusuka, pananakit ng ulo at tiyan ang idinaing ng mga naturang indibidwal na agad namang naisugod sa South Seminole Hospital.

Dahil dito, nagpasya ang mga otoridad na magsagawa ng imbestigasyon at isailalim sa pagsusuri ang mga inihandang pagkain sa kasal.

Lumalabas sa resulta ng pagsusuri na positibo sa ‘marijuana’ ang lahat ng mga putaheng inihain sa kasal, at napag-alaman rin na ang bride sa mismong kasal na kinilalang si Danya Glenny, 42-anyos at ang catering manager ang nasa likod ng insidente.

May mga ulat na karamihan umano sa mga bisita ay kilalang gumagamit ng marijuana ngunit ayon naman sa pulisya, ang paglalagay ng marijuana sa handa nang hindi alam ng mga bisita ang nalabag ng dalawang suspek.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong tampering, culpable negligence, and delivery of marijuana ang nasabing mga akusado.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *