Bucks itinabla sa 3-3 ang East semis vs Nets

Sumandal ang Milwaukee Bucks sa dalawa nilang star player upang mai-pwersa ang do-or-die Game 7 sa NBA Eastern Conference semi-finals matapos talunin ang Brooklyn Nets 104-89.

Humakot ng combined 68 points sina Khris Middleton na nagtala ng 38 points, 10 rebounds at Giannis Antetokounmpo na may 30 puntos, 17 rebounds.

Dinagdagan pa ito ng 21 points ni Jrue Holiday na naging daan para tambakan ng Bucks ang Nets sa 4th quarter at kunin ang panalo.

Patuloy naman ang magandang laro ni Kevin Durant na nagtala ng 32 points, 11 rebounds habang si James Harden ay pumukol ng 16 puntos.

Simula umpisa ay kontrolado ng Bucks ang laban subalit may mga pagkakataon na lumalapit ang Nets.

Pagdating sa huling yugto at tuluyan nang lumayo ang Milwaukee matapos magpamalas ng magandang depensa.

Gaganapin naman ang ‘winner take-all’ Game 7 sa homecourt ng Brooklyn sa sa Linggo, June 20.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *