BuCor chief sinuspendi matapos ang pagkamatay ng ‘middleman’ sa Percy Lapid slay case

Nakarating na kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang nangyaring misteryosong pagkamatay ng isang itinuturong ‘middleman’ sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Sa isang press conference ngayong umaga sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Boying Remulla na nagkausap sila ni Pangulong Marcos kagabi at ibinihagi niya sa presidente ang mga development sa kaso ni Lapid.

Agad umanong ipinag-utos ng Pangulo ang pagsuspendi kay Bureau of Correction Director General Gerald Bantag matapos malaman ang insidente sa Bilibid.

Ito umano ay upang matiyak na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa kaso pagkamatay ng preso na sinasabing isa sa mahalagang ‘link’ para matukoy ang mastermind sa kremin.

Sinabi din ni Remulla na inatasan siya ng Pangulo na maglagay ng OIC sa BuCor habang gumugulong ang pagsisiyasat kung saan pansamantalang uupo si Ret. Gen. Gregorio Catapang Jr.

Tiniyak ng kalihim titingnan nila ang lahat ng angulo at sinuguro nito walang ‘sacred cows’ sa kasalukuyang administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *