Bulacan PPO itinanghal na over-all champion sa CDM sa Region 3

Itinanghal na over-all champion ang Bulacan Police Provincial Office sa isinagawang Civil Disturbance Management Competition ng Police Regional Office 3.

Mula sa pitong mga provincial police station, dalawang city police at Regional Mobile Force ay nanguna ang Bulacan PPO.

Layon ng CDM Competition na mapalawak ang kaalaman ng kapulisan sa pagganap ng tungkulin sa mga tinatawag na stressful situations at maipatupad ang maximum tolerance.

Bawat team ay dumaan sa tatlong bahagi ng kompetisyon na kinabibilangan ng graded inspection, eight basic formation demonstration at problem-based scenario.

Kasama sa senaryo ang mga actual aggressors o protesters na maaari nilang makaengkwentro.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Police Regional Office 3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *