‘Kalusugan at buhay ng American women, at risk’ – US Prexy Biden re: US Court rulling on abortion

Tinawag na “sad day” ni US President Joe Biden matapos na maglabas ng ruling ang US Supreme Court kaugnay sa legalidad ng abortion.

Sinabi ni Biden na hindi ito ang dapat na maging pinal na salita sa isyu kaya naman hinimok niyang kumilos ang US Congress.

Binigyang diin ni Biden na hindi pa natatapos dito ang usapin dahil gagawin ng kanyang administrasiyon ang lahat para mabago ang usapin ng ng aborsyon sa kanilang bansa.

Base kasi sa inilabas na desisyon ng Supreme Court, walang constitutional right to abortion ang mga kababaihan kung saan pinapawalang bisa nito ang 1973 Roe v Wade decision na pumapayag sa aborsyon bago ang ika-24 linggo ng pagbubuntis.

Nakasaad sa bagong ruling na hindi naman ipinagbabawal ang abortion sa America kundi pinapayagan nito ang bawat estado na ipagbawal ang procedure.

Samantala, nagsagawa naman ng mga protesta ang iba’t ibang grupo sa iba’t ibang estado sa America
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *