Bus inspector, hinataw ng tubo sa ulo

Ospital ang bagsak ng isang bus inspector na si Erick Alcantara Dela Cruz, 44 anyos.

Ito ay matapos siyang hatawin ng tubo sa ulo at sa katawan sa Purok Damayan, Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, ganap na 6:30 ng gabi kahapon, ika- 12 ng Oktubre 2022 nangyari ang krimen.

Sinabi ng biktima sa imbestigador habang nasa pagamutan, nakatayo lamang siya sa gilid ng kalsada malapit sa truck ng suspek na kinilala nitong si Ian Jones Braganza Devilla, isang truck driver.

Nilapitan umano siya ni Ian at doon na siya biglang hinataw sa ulo at nang siya ay tumumba ay pinagpapalo pa ulit siya sa katawan.

Ang isang testigo ang nagdala kay Erick sa ospital habang ang suspek ay tumakas sakay ng truck.

Samantala, ang insidente ay iniimbestigahan na ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *