DA mas pinaigting ang information caravan tungkol ASF

Mas pinaigting pa ng Department of Agriculture Region 3 ang kampanya nito kontra African Swine Fever o ASF.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng information caravan ng kagawaran at Bureau of Animal Industry nakalipas na araw ng Myerkules sa Guagua, Pampanga.

Nasa 50 magbababoy ang dumalo sa nasabing aktibidad na naglalayong makapagbigay dagdag-kaalaman sa tamang pag-aalaga ng baboy.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang kasalukuyang estado ng ASF sa lugar, mga kadalasang itinatanong tungkol sa ASF, biosecurity para sa hog-raisers at pagpaparehistro sa Philippine Crop Insurance Corporation.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DA Central Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *