Cake na may mala nobelang dedication letter, iniaalok ng isang bakeshop sa Q.C

KINAALIWAN ng mga netizens online ang isang bakeshop sa Quezon City matapos nitong ibahagi sa social media ang kanilang iniaalok na cake na kayang sulatan ng kahit gaano kahabang dedication letter.

Ginawang posible ng bakeshop na Pasteleria Manila ang request na madalas nilang matanggap mula sa mga customers na nais magbuhos ng saloobin at mahabang dedication note sa kanilang inoorder na cake.

Umani naman ng nakakatuwang komento at papuri ang bakeshop mula sa publiko kung saan ang iba sa mga ito ay humirit na “Essay yaaarn?” habang ang iba naman ay tinagged pa ang kanilang mga kaibigan  at kaanak sa naturang post, na tila nagpaparinig na ganun ang nais nilang disenyo at estilo ng cake para sakanilang birthday.

Ayon naman sa naturang bakeshop, kaya lamang nilang mag accommodate ng isang katulad na order sa bawat araw dahil ito ay ma proseso at hindi basta-bastang nagagawa.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *