Cake sa Japan gawa umano sa nag yeyelong tubig

HINDI PANGKARANIWAN ang naimbento na cake sa Chiba,Japan dahil ang cake ay  gawa umano sa nagyeyelong tubig na nagmula pa sa mga puno ng nyebe sa gitnang bahagi ng nasabing bansa.

Tinawag itong mizu cake mula sa Japanese word na ang ibig sabihin ay tubig. Ayon sa mga gumagawa nito hinahaluan nila ito  ng tinatawag na agar upang mamuo at  matulad ang consistency sa isang gelatin.

Ang pisikal na anyo nito ay mahahalintulad sa isang patak ng tubig na nagmimistulang bolang Kristal dahil sa taglay na linaw nito.

Samantala ang pagkain nito ay hindi dapat lalagpas o tatagal ng 30 minuto dahil mabilis lang umano itong matutunaw o nagiging sabaw.

Kakaiba man ang cake na ito, mainit parin itong tinanggap ng mga residente sa nasabing bansa.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *