Camarines Norte nakapagtala na ng isang kaso ng Beta variant ng COVID- 19

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of Health nitong Miyerkules na  mayroon nang local transmission ng Alpha at Beta variants sa lahat ng lalawigan sa Bicol maliban sa Catanduanes.

Sa isang pahayag ay kinumpirma ng ahensiya ang pinakaunang kaso ng COVID- 19 Beta variant sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay umano ito sa resulta ng genomic sequencing ng Philippine Genome Center (PGC) kung saan mayroong kabuuang 11 indibidwal ang nagpositibo sa Alpha variant, habang 22 sa Beta variant sa buong rehiyon.

Ang Beta variant o ang B.1.351 na mayroon na ngayon sa lalawigan ay unang na detect sa sa South Africa noong May 2020.

Ayon sa DOH kapwa mas nakakahawa ang dalawang nabanggit na variant.

Kaugnay nito, binibigyang diin ng DOH na ang pagsunod  pa rin sa Minimum Public Health Standards (MPHS) ang pinakamainam na proteksyon.

Hinimok din nito ang mga Lokal na Pamahalaan na paigtingin pa ang contact tracing efforts at case management.

Una na ring sinabi ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na anupamang variant ang lumabas ay maiiwasan ang pagkakasakit kung sinusunod ng lahat ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, social distancing, palagiang paghuhugas ng kamay at pag iwas sa matatao at kulob na lugar.

Kapwa ipinapaalala rin ng DOH at PHO na iwasan ang mga non- essential gathering.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *