Camarines Sur may 4 na HFMD na naitala mula Enero ayon sa DOH- Bicol

NAGA CITY- Apat na mga kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease ang naitala sa buong Camarines Sur mula Enero 1 hanggang nitong Nov. 19, 2022 , pangalawa sa may pinakamababang kaso sa Bicol Region.

Ang mga lugar na nakapagtala nito ay Baao, Cabusao, Garchitorena at Naga City, ang mga uyon ay naiulat sa sentinel hospitals.

Una nang sinabi ni DOH Provincial officer Dr. Rey Millena na mag-ingat ang publiko lalo na ang mga bata matapos na makapagtala ang Albay ng 157 kaso.

Hulyo kasalukuyang taon nang sabihin naman sa BNFM ni Dr. Dado Fuentebella ng Goa Municipal Health Office na may mga bata na may HFMD binibigyan nila ng antiviral at kusa namang natutuyo ang mga butlig, common noon sa mga bata.

Regular na paghuhugas ng kamay , malinis na kapaliguran at gamit ang payo ng health experts para maisawan ito.

Ang HFMD ay isang nakakahawang sakit  o viral infection na karaniwang nakakaapekto sa mga bata at ilan sa sintomas ay ang pagkakaroon ng mga singaw sa bibig at rashes sa mga kamay at paa.

Ayon kay Dr. Jannish Alcala-Arellano ng Infectious Disease Cluster ng DOH Bicol, generally mild lang naman ang HFMD kung hindi magkakaroon ng komplikasyon. Kung may lagnat aniya mainam kung mag rereport na sa health personnel dahil marami pang ibang mga sakit na nagsisimula sa lagnat upang nararapat na gamot ang maibigay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *