DepEd Naga, muling nagpa-alala na bawal ang pagpopost ng report card sa social media

NAGA CITY – May karapatan ang mga magulang o mag-aaral na isapubliko o ipost sa social media ang kanilang mga report card grades pero hindi ito tinu-tolerate ng Department of Education.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Dr. Manny De Guzman, School Division Superintendent.

Kilangan kasing ingatan ang record at impormasyon ng isang mag-aaral, may Role of Confidentiality na prinuprotektahan ng paaralan lalo na kung ang nagpost o nagpakalat nito ay walang pahintulot mula sa magulang ng bata, mas delikado kung ang mismong guro o paaralan ang nakapagpost nito dahil paglabag na ang kanyang ginawa.

Dagdag pa ng opisyal bagamat walang report o mga insidente ng pagpopost na hindi mismo ang magulang o mag-aaral ang may gawa sa lungsod, mas mabuti sanang iwasan na lamang ang pagpopost sa social media lalo na’t napakadali na lamang ngayong makapag-edit at makapaghack ng mga impormasyon lalo na sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *