Case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol, bahagyang tumaas sa 3.92%

BNFM BICOL—Umakyat sa 3.92% ang case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol batay sa pinakahuling datus na inilabas ng DOH-Bicol kahapon.

Sa tala ng ahensya,  21 mga bagong pagkasawi dahil sa naturang sakit ang naidagdag sa rehiyon daan upang umakyat sa 2,311 ang COVID-19 death toll.

Mula sa anim na mga probinsya, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang may pinakamataas na bilang ng fatalities na umabot na sa 560; sinusundan ito ng Albay na may 492; may 474 ang Sorsogon; 246 sa Camarines Norte; may 245 ang Naga City; 116 sa Catanduanes; 99 sa Legazpi City habang pinakamababa pa rin ang death toll sa Masbate na may 74.

Matatandaang zero new case o walang panibagong kaso ng sakit na naitala ang Bicol  kahapon, ngunit patuloy pa rin ang paalala ng heath department sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *