Catapang – opisyal nang manunungkulan bilang full-fledged director-general ng BuCor

Tiyak nang mawawala bilang Bureau of Corrections (BuCor) director general ang suspended chief na si Gerald Bantag.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Justice Secretary Boying Remulla na opisyal nang itatalaga si Gregorio Catapang bilang full-fledged BuCor director general.

Sa isinagawang pagpapalaya ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa BuCor, sinabi ni Remulla na hinihintay na lamang nila ang pormal na appoinment papers para kay Catapang.

Posible rin umanong ma-seguro na ni Catapang ang kanyang appointment sa isasagawang Cabinet Meeting bukas sa Palasyo.

Matatandaaang dalawang beses nang napatawan ng 90-day suspension si Bantag matapos itong ituro bilang mastermind sa Lapid Slay Case, at na-extend pa dahil naman sa pagpapa-interview kay Jovito Palparan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *