Cellphone, tinangay ng snatcher sa Puerto Princesa

Ipina-blotter sa baranggay ni ginang Angelita Pacaldo ng Brgy. Bagong Sikat sa Puerto Princesa ang nangyari umanong pagtangay sa kanyang cellphone.

Ayon sa blotter sa baranggay, ganap na 7:08 ng umaga kahapon, ika-19 ng Agosto nangyari ang insidente habang siya’y naghihintay ng service ng PPCWD,  siya’y nakatayo sa kanto nang biglang  hinablot ang kanyang cellphone ng lalaking nakamotorsiklo.

Sa panayam ng Brigada sa anak ng biktima na si Alexander ayon sa kwento ng ina, mabilis na tinangay ng isang suspek ang cellphone (Huawei) kaya napasigaw ang biktima para humingi ng tulong.

Hinala pa niya, maaaring inabangan ng suspek ang kanyang ina dahil sa lugar ito madalas mag-abang ng sundo papunta sa opisina.

Nagdulot umano ng trauma ang pangyayari sa biktima.

Kumbensido sila ngayon na ang lalaking nasa larawan ang snatcher pero positibo ang pamilya na mahuhuli ang suspek dahil nagiimbestiga na ang pulisya.

Samantala, nalaman din ng Brigada na noong ika-22 ng Hulyo ngayong taon ay may naiulat din sa Brgy. Bagong Sikat na kaparehong insidente ng snatching kung saan isang 13 anyos na babae ang biktima na natangayan din ng cellphone sa kanyang bulsa, ang suspek ay nakamotorsiklo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *