Celtics coach suspendido ng isang season matapos makipag-relasyon sa babaeng staff

Inanunsiyo ng Boston Celtics ang suspensiyon sa kanilang second-year head coach na si Ime Udoka para sa buong 2022-23 NBA season dahil sa mga paglabag sa code of conduct ng koponan.

Sa official statement ng team si assistant coach Joe Mazzulla ay magsisilbing pansamantalang head coach ng koponan habang wala si Udoka.

Una nang humingi ng tawad si Udoka dahil sa mga pangyayari.

“I want to apologize to our players, fans, the entire Celtics organization, and my family for letting them down,” pahayag ni Udoka via ESPN’s Malika Andrews.

Ayon sa report si Udoka ay di-umano’y “nagkaroon ng hindi tamang intimate at consensual na relasyon sa isang babaeng miyembro ng staff ng team.”

Magugunitang pinangunahan ni Udoka ang Celtics sa kanilang unang NBA Finals appearance mula noong 2010 sa kanyang debut season bilang head coach.

Leave a Reply

Your email address will not be published.