China nangako ng zero tolerance sa Taiwan ‘separatists’

Nangako ang China ng zero tolerance para sa “separatist activities” sa Taiwan at muling nanindigang kukunin ang self-ruled island ng pwersahan kung kinakailangan.

Ang babala ng Beijing sa ikinokonsidera ng Taiwan bilang kanilang teritoryo, ay matapos ang ilang araw na unprecedented Chinese military drills sa palibot ng isla, na nag-ugat mula sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.

Una nito, naglabas ng white paper ang China’s Taiwan Affairs Office kung saan ilatag dito ang kanilang intensyon na makuha ang isla sa pamamagitan ng range ng economic incentives at military pressure.

Saad sa white paper na handa umano silang bumuo ng malaking space para sa peaceful reunification, pero hindi papahintulutan ang anumang separatist activities.

Matatandaan na huling naglabas ang China ng white paper sa Taiwan noong 2000.

Leave a Reply

Your email address will not be published.