CHR, iimbestigahan na ang pagkamatay ng NDF consultant sa Negros Occidental

Lumarga na ang hiwalay na imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) para sa pagkamatay ng isang consultang ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) sa Negros Occidental na si Ericson Acosta, at isa pa nitong kasamahan.

Ito ay sa gitna ng spekulasyon ng iba’t ibang mga human rights advocates na pinatay at hindi namatay sa engkuwentro si Acosta – taliwas sa kine-claim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasawi ang NDF consultant sa isang engkuwentro.

Ayon sa CHR, nag-umpisa na ang independet probe ng kanilang regional office.

READ MORE:

Sa ganitong paraaan aniya ay mabibigyan na nang linaw ang pagkamatay ni Acosta.

Bagamat nanindigan ang mga human rights advocate groups na biktima si Acosta ng military execution – una nang sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na lehitimo ang kanilang operasyon.

Sa katunayan, si Acosta umano ay isa pang opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) – Negros Regional Committee.
#

AFP, bukas sa CHR probe

Walang nakikitang problema ang AFP sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng CHR.

Ayon kay Aguilar, naninindigan kasi ang CHR na talagang pinatay at hindi napatay sa engkwentro sina Ericson Acosta at ang isa pa nitong kasamahan sa Negros Occidental.

Dagdag ni Aguilar, wala silang problema kung ang CHR ang magsisiyasat sa kaso dahil parte umano ito ng kanilang mandato.

Aniya, malugod nilang tinatanggap ang inisyatibo ng CHR upang lutasin ang kaso ng NDF consultant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *