CAMARINES NORTE- Nagbigay babala ang CNPPO Pulis Bantayog sa mga vlogger ng Camarines Norte kung gagawa ng isang prank content
Kasunod ito ng pangyayaring kidnap prank ng isang grupo ng mga vlogger na agad nag viral sa social media matapos maaktuhan ng isang pulis
Kita sa video na may isang grupo na naka bonet na pilit isinasakay sa sasakyan ang isang lalaki
Ayon sa PNP, huwag umanong gumamit ng anumang criminal act as content dahil hindi ito isang mabuting halimbawa at walang mabuting naidudulot kundi takot sa sinumang makaka saksi at maaari ring ikapahamak dahil sa anumang kaparusahang maaaring ipataw sa ganitong gawain.
