Comelec: 2022 poll, tuloy sa kabila ng pandemic

Tuloy ang 2022 presidential elections na itinakda sa May 9, 2022 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Director at Comelec spokesperson James Jimenez, walang dahilan para hindi matuloy ang botohan, sa kabila na inaasahan na umano nila na hindi pa maaabot ang herd immunity sa panahong iyon.

Mababatid na nasa less than 1% palang ng populasyon ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang ang herd immunity ay kailangang 70% ng populasyon ang nabakunahan.

Sinabi ni Jimenez na ang bilang ng mga presinto para sa 2022 polls ay nasa 110,000— mas mataas mula sa 84,000 precincts na ginamit noong 2019 polls— para maipatupad ang social distancing.

Maliban naman ng padedeploy ng mga karagdagang precincts, sinabi ni Jimenez na posibleng iexpand ng Comelec ang absentee voting na nagpapahintulot sa ilang indibidwal na makaboto ng mas maaga bago ang araw ng halalan. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.